^

PM Sports

Thirdy, Ramos sasalang ulit sa B.League

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pa rin nakalaro sina Gilas Pilipinas aces Dwight Ramos at Thirdy Ravena sa kanilang mother teams na magkaiba ang naging resulta sa Japan B.League

Kahit wala si Ramos ay nakasukbit ng panalo ang Toyama Grouses kon­tra Shibuya, 89-76, matapos ang 78-91 pag­yukod sa una nilang bang­gaan noong Sabado.

Ininda naman ng San-en NeoPhoenix ang patuloy na absence ni Thirdy sa dalawang sunod na kabiguan nila kontra sa Alvark Tokyo, 62-87 at 59-90.

Umangat sa 16-22 ang rekord ng Toyama  ha­bang sumadsad sa 5-30 ang San-en.

Nakabalik na sina Ramos at Thirdy sa Japan subalit hindi muna isinalang sa laban ng ka­nilang mga mother teams matapos magsilbi sa Gilas sa katatapos na 2023 FIBA World Cup Asian Quali­fiers sa Pilipinas.

Inaasahang magla­laro na ulit sila ngayong linggo para tulungan ang kanilang mga koponan na nasa ibaba ng B.Lea­gue standings.

Samantala sa Taiwan, inalat si Jason Brickman nang magkasya lang sa limang puntos sa dikit na 90-91 pagkatalo ng Kaohsiung Aquas (12-5) sa New Taipei CTBC DEA na bagong lider ng T1 League hawak ang 13-7 baraha.

vuukle comment

DWIGHT RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with