^

PM Sports

Holiday itinakas ang Bucks sa Heat

Pang-masa

MILWAUKEE — Isinalpak ni Jrue Holiday ang isang driving layup sa huling 1.9 segundo para ihatid ang nagdedepensang Bucks sa 120-119 pag-eskapo sa Eastern Conference-leading Miami Heat.

Kinailangang bumangon ng Milwaukee (38-25) mula sa 14-point deficit sa huling anim na minuto ng fourth period para manatili sa No. 4 spot sa East.

Nagwakas naman ang four-game winning streak ng Miami (41-22).

Tumapos si Holiday na may 25 points para sa Bucks habang kumo­lekta si Giannis Anteto­kounmpo ng 28 points, 17 rebounds at 5 assists.

Ang triple ni Khris Middleton sa huling 13.5 segundo ang nagdikit sa Milwaukee sa 118-119 agwat kasunod ang jump ball ni Antetokounmpo kay Jimmy Butler sa po­sesyon ng Miami.

Tinapik ni Anteto­kounmpo ang bola kay Bobby Portis at ipinasa ito kay Holiday pababa ng court para sa kanyang winning basket.

Sa iba pang laro, igi­nupo ng NBA-leading Phoenix Suns ang Portland Trail Blazers, 120-90; wagi ang Utah Jazz sa Houston Rockets sa overtime, 132-127; tinalo ng Charlotte Hornets ang Cleveland Cavaliers, 119-98; at dinaig ng In­diana Pacers ang Orlando Magic, 122-114

vuukle comment

BUCKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with