^

PM Sports

Ravena maglalaro sa Gilas sa FWC Qualifiers

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Ravena maglalaro sa Gilas sa FWC Qualifiers
Thirdy Ravena.

MANILA, Philippines — Sasamahan ni Thirdy Ravena ang Gilas Pilipinas sa nalalapit na kampanya sa first window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 24-28 sa Smart Araneta Coliseum.

Dumating sa bansa si Ravena kamakalawa ng gabi mula sa Japan at kaagad sumali sa ensayo ng Nationals kahapon.

Nakauwi sa bansa si Ravena matapos makakuha ng basbas mula sa kanyang mother team na San-en NeoPhoenix kagaya ni Dwight Ramos ng Toyama Grouses na nauna nang dumating noong nakaraang linggo.

Bukod sa kanila ay nasa bansa rin si Juan Gomez de Liaño matapos ang maayos na pag-alis sa Earthfriends Tokyo Z sa Division II ng B. League.

Makakasama ng tatlong Japan league stalwarts sa Gilas sina naturalized player Ange Kouame, Will Navarro, Jaydee Tungcab, Tzaddy Rangel at ang core ng TNT Tropang Giga sa ilalim ni returning coach Chot Reyes.

Para kay Ravena, ito ang kanyang pagbabalik sa Gilas matapos sumalang sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers at sa pocket tournament na King Abdullah Cup sa Jordan.

Nakatulong din sa kanyang pag-uwi ang break ng B.League para sa sariling laro ng Japan sa WC qualifiers at ang pinaluwag na restrictions sa bansa para sa mga returning Filipinos at mga fully vaccinated.

Dahil sa sabay na laro ng Gilas at mandatory qua­rantine pagbalik sa Japan, inaasahang hindi makaka­salang agad si Ravena sa laro ng San-en kontra sa Shiga sa Pebrero 26 at 27 at laban sa Alvark Tokyo sa Marso 5 at 6.

Sa Marso 9 na makakasama ulit ni Ravena ang NeoPhoenix na may 4-27 kartada sa dulo ng B. League standings kontra kay Ray Parks Jr. at sa Nagoya Diamond Dolphins.

Ravena maglalaro sa Gilas sa FWC Qualifiers

Ulanday

vuukle comment

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with