^

PM Sports

WBC inutusan si Magsayo na labanan si Vargas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng World Boxing Council (WBC) ang title defense ni reigning WBC featherweight champion Mark Magsayo laban kay mandatory challenger Rey Vargas ng Mexico.

Sariwa pa sa mata-gumpay na panalo si Magsayo matapos maagaw ang WBC belt kay Gary Russell Jr. via majority decision noong Linggo sa Atlantic City sa New Jersey.

Nasa kasagsagan pa ito ng selebrasyon kasama ang kanyang team at ang mga mahal nito sa buhay.

Ngunit hindi pa nag-iinit ang korona sa kanya, tila sasalang na agad sa pukpukang ensayo si Magsayo upang paghandaan ang kanyang susunod na laban.

Hindi naman na bago si Magsayo sa mga Mexican boxers.

Sa katunayan, ilang Mexican fighters na ang pinangalanan nito matapos ang kanyang kampeonato.

“I want to fight Mexicans, they are great fighters, warriors. I would like to fight Leo Santa Cruz or Luis Nery,” ani Magsayo.

Limang Mexican boxers na ang nabiktima ni Magsayo sa kanyang boxing career.

Pinakahuli ang impresibong 10th round knockout win nito kay Julio Ceja noong Agosto 21, 2021 sa T-Mobile Arena sa Paradise, Nevada.

Sa kabilang banda, mataas ang respeto ni Vargas kay Magsayo.

Nasaksihan nito ang bagsik ng kamao ni Magsayo sa laban nito kay Russell.

“Magsayo is a wider fighter, but he is smarter. Yes he has more strength than Gary Russell, but Magsayo showed a lot of intelligence in this fight,” ani Vargas.

Kaya naman walang puwang ang patulg-tulog kay Vargas na inaasahang agad na magsisimula sa ensayo para paghandaan ang Pinoy pug.”I am very happy that the WBC reiterated my position as a title challenger. I feel very happy and very happy,” ani Vargas.

vuukle comment

MARK MAGSAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with