^

PM Sports

Nuggets diniskaril si Curry

Pang-masa

SAN FRANCISCO — Diniskaril ng Denver Nuggets ang pagtatala ni Golden State Warriors star guard Stephen Curry ng NBA record matapos agawin ang 89-86 panalo.

Hinirang ang 33-an-yos na si Curry bilang unang player sa NBA history na nagsalpak ng 3,000 career three-point shots.

Tumapos si Curry na may 23 points kasama ang limang triples sa ka-biguan ng Warriors (27-7) sa Nuggets (17-16).

Nauna nang nilampasan ni Curry si Hall of Famer Ray Allen sa pagiging NBA 3-point king.

Sinupalpal ni Denver center Nikola Jokic ang panabla sanang tres ni Jonathan Kuminga ng Golden State para selyuhan ang kanilang panalo matapos maisuko ang hawak na 24-point halftime lead.

Sa Houston, kumolek-ta sina LeBron James at Russell Westbrook ng triple-doubles para banderahan ang Los Angeles Lakers (17-18) sa 132-123 pagpapasabog sa Rockets (10-25)

Nagtala si James ng 32 points, 11 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikatlong triple-double ngayong season at tumapos si Westbrook na may 24 points, 12 boards at 10 assists para tapusin ng Lakers ang five-game losing skid.

Umiskor si Fil-Am rookie guard Jalen Green ng 24 points sa kanyang pagbabalik sa Rockets matapos mawala sa 15 sa huli nilang 16 laro dahil sa strained left hamstring.

Sa Orlando, naglista si Giannis Antetokounmpo ng 28 points para igiya ang nagdedepensang Milwaukee Bucks (23-13) sa 127-110 panalo sa Magic (7-28) patungo sa ikaapat na sunod na arangkada.

Sa Toronto, humakot si Tobias Harris ng 19 points, 12 rebounds at 10 assists para sa una niyang career triple-double sa 114-109 pagdaig ng Philadelphia 76ers (18-16) sa Raptors (14-17).

Sa iba pang laro, nanalo ang Miami Heat sa Washington Wizards, 119-112; wagi ang New York Knicks sa Minnesota Timberwolves, 96-88; tinalo ng New Orleans Pelicans ang Cleveland Cavaliers, 108-104; at dinaig ng Sacramento Kings ang Oklahoma City Thunder, 117-111.

vuukle comment

DENVER NUGGETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with