^

PM Sports

Brickman ‘di mapigilan sa Taiwan

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Brickman �di mapigilan sa Taiwan
Jason Brickman.

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagpapakitang-gilas ni Jason Brickman para sa Kaohsiung Aquas matapos ang halos triple-double na performance sa 87-69 panalo nila kontra sa New Taipei CTBC DEA sa T1 League ng Taiwan.

Naglista ng 12 puntos, 10 rebounds at pitong assists sahog pa ang dalawang steals ang Filipino-American point guard upang manduhan ang balanseng atake ng Kaohsiung.

Umiskor naman ng game-high 28 puntos at 19 rebounds si Mindaugas Kupsas habang may 13 markers at walong assists si Hu Long-mao para suportahan si Brickman.

Umangat sa 2-0 kartada ang Kaohsiung na matagal munang magpapahinga bago bumalik sa aksyon sa Disyembre 18.

Nauna nang nagposte ng walong assists, pitong rebounds, tatlong puntos at dalawang steals si Brickman sa kanilang 107-106 debut win kontra sa Taiwan Beer noong nakaraang linggo.

Isa si Brickman sa ina-abangang Fil-foreign prospects na papasok sa PBA sa susunod na draft.

Nagsumite ng aplikasyon si Brickman nga-yong 2021 PBA Rookie Draft subalit hindi umabot ang eligibility sa deadline dahil sa kakulangan ng papeles.

Nitong buwan lang ay niluwagan na ng PBA ang requirements para sa mga Fil-foreign applicants kaya magiging suwabe ang  pagpasok nina Brickman at iba pang prospects.

vuukle comment

JASON BRICKMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with