^

PM Sports

Sweep ng F2 Logistics

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sweep ng F2 Logistics

LIPA CITY, Philippines — Nakumpleto ng F2 Logistics ang perpek-tong kampanya para makopo ang titulo sa kauna-unahang Champions League matapos kaldagin ang Chery Tiggo, 25-20, 25-20, 25-22 kahapon dito sa Aquamarine Recreational Center Gym sa Lipa, Batangas.

Hindi natalo kahit isang set lang ang Cargo Movers sa limang laro para sa malinis na championship run at maugong na pagbabalik sa Philippine volleyball matapos ang halos dalawang taong pagkawala.

Naglista ng 16 puntos si Kalei Mau upang banderahan ang 5-0 kartada ng F2 Logistics habang may siyam, walo at anim na markers sina Majoy Baron, Aby Maraño at Kianna Dy, ayon sa pagkakasunod.

“Siguro, advantage lang na matagal na kaming magkakasama. Gustung-gusto lang din maglaro ng team dahil matagal nabakante,” ani coach Ramil de Jesus matapos huling maglaro noong Marso 2020.

Tinanghal na unang Champions League Most Valuable Player si Kianna Dy at Best Opposite Spiker din habang Best Outside Hitters naman sina Ces Molina ng Petro Gazz at Dindin Santiago-Manabat ng Chery Tiggo. Sinikwat nina Maraño (F2) at Maika Ortiz (Chery) ang Best Middle Blocker awards habang Best Setter at Best Libero sina Iris Tolenada at Dawn Macandili ng Cargo Movers, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

F2 LOGISTICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with