^

PM Sports

Filbasket umaariba

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Simula nang magbukas noong Oct. 28, patuloy ang suwabeng takbo ng FilBasket Subic Championship at ramdam ko ang katuwaan ng bumubuo ng bagong liga.

Malamang feeling nasa alapaap sina FilBasket co-founder Buddy Encarnado (two-time PBA Executive of the Year awardee) at commissioner Jai Reyes.

Malaking katuwaan sa kanila na matugunan ang kanilang numero unong hangarin na makapagbigay ng playing venue at hanapbuhay sa maraming players na natengga dahil sa pandemya.

Pangalawang ideya ang mapunan ang vacuum sa pagitan ng collegiate leagues at pro league.

Nag-suffer ang area na ito dahil tumigil ang takbo ng PBA D-League at kasabay nito ang pananahimik ng MPBL.

Ang siste, nawalan ng paglalaruan at kita ‘yung mga amateur players, ex-pros at mga drafted PBA players na hindi naman nakapirma ng kontrata.

Marami sa kanila ang nakabalik-laro sa pagbubukas at patuloy na takbo ng FilBasket na kinapapalooban ng 11 teams at humigit kumulang 150 players.

Mas makakakilos ng maluwag ang liga kung patuloy na bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kasama sa mga koponan ang Pasig Sta. Lucia, MTrans Batangas, Burlington, Davao Occidental, San Juan, Muntinlupa, Nueva Ecija, Army Makati, AICC Manila, Burlington, 7A Primus, Medical Depot.

At ilan sa mga ex-pros sina Ken Bono, Keith Agovida, Larry Rodriguez, Paolo Hubalde, Jerwin Gaco, Aaron Aban, Jeric Teng, Gabby Espinas, Jeff Viernes, Rudy Lingganay, Diego Dario, James Martinez, Renz Palma and Pamboy Raymundo.

vuukle comment

SUBIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with