^

PM Sports

Young hataw sa panalo ng Hawks

Pang-masa
Young hataw sa panalo ng Hawks

NEW ORLEANS — Kumamada si star guard Trae Young ng 31 points para pangunahan ang Atlanta Hawks sa 102-99 pag-eskapo sa Pelicans para sa kanilang ikatlong panalo sa apat na laro.

Ang follow-up dunk ni John Collins mula sa mintis na three-pointer ni Young ang nagbigay sa Atlanta ng 100-98 bentahe sa huling 55 segundo matapos ang kapos na triple ni Brandon Ingram sa panig ng New Orleans (1-4).

Sinupalpal naman ni Hawks center Clint Capela ang transition layup ni Devonte’ Graham ng Pelicans kasunod ang dalawang free throws ni Young para selyuhan ang kanilang panalo.

Tumipa si Collins ng 16 points at 12 rebounds para sa Atlanta Hawks habang may 13 at 12 markers sina De’Andre Hunter at Bogdan Bogdanovic, ayon sa pagkakasunod.

Sa Milwaukee, umiskor si D’Angelo Russell ng 29 points at may tig-25 markers sina Karl-Anthony Towns at Anthony Edwards sa 113-108 panalo ng Minnesota Timberwolves (3-1) sa nagdedepensang Bucks (3-2).

Nagpasabog si Giannis Antetokounmpo ng 40 points at 16 rebounds para sa Milwaukee.

Sa New York, humataw si Bam Adebayo ng 24 points sa 106-93 paggupo ng Miami Heat (3-1) sa Brooklyn Nets (2-3).

Sa iba pang laro, tinalo ng Charlotte Hornets ang Orlando Magic, 120-111; pinadapa ng Washington Wizards ang Boston Celtics, 116-107; binigo ng Toronto Raptors ang Indiana Pacers, 118-110; at dinaig ng Oklahoma City Thunder ang Los Angeles Lakers, 123-115.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with