^

PM Sports

Abueva itinanghal na BPC

Russell Cadayona - Pang-masa
Abueva itinanghal na BPC
Calvin Abueva.

MANILA, Philippines — Hinirang si Calvin Abueva ng Magnolia bilang Best Player of the Conference ng 2021 Philippine Cup bago ang Game Four ng PBA Finals kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Ito ang ikalawang BPC award ng 6-foot-2 na si Abueva matapos manalo noong 2016 Commissioner’s Cup suot ang uniporme ng Alaska.

Humakot ang 33-anyos na tubong Angeles City ng kabuuang 934 votes para angkinin ang karangalan kasama ang premyong P50,000 mula sa Davco.

Noong Hunyo ng 2019 ay pinatawan ang dating kamador ng San Sebastian Stags ng indefinite suspension ng liga dahil sa hard foul kay TNT import Terrence Jones na tumagal ng 16 buwan bago ito binawi noong Oktubre ng 2020 para maglaro sa Phoenix sa PBA Philippine Cup.

Noong Pebrero ng 2021 ay dinala ng Fuel Masters si Abueva sa Hotshots sa isang offseason trade para sa kanyang ikalawang komperensya.

Nagposte si Abueva ng 34.2 statistical points sa pagtiklop ng semifinal round papasok sa finals ng torneo mula sa kanyang mga averages na 15.2 points, 10.0 rebounds, 2.8 assists, 1.0 steals at 1.1 block shots per game.

 

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with