^

PM Sports

SEA games tuloy sa Vietnam sa Mayo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Vietnam organizers ang kanilang pagho-host sa 31st Southeast Asian Games sa kalagitnaan ng Mayo ng susunod na taon.

Sa online meeting ng SEA Games Federation ay nangako ang Vietnam na pormal na ihahayag ang eksaktong petsa ng pamamahala nila sa biennial event na orihinal na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 ng taong ito.

Pinagbigyan ng pe-derasyon ang kahilingan ng Vietnam na iurong ang SEA Games sa 2022 dahil sa paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease COVID-19) sa kanilang bansa.

Maglalabas din ang Vietnam organizers ng mga panuntunan sa pa-ngangalaga sa mga de-legasyon ng 10 pang mi-yembro ng SEA Games laban sa COVID-19.

Idedepensa ng Pilipinas ang overall cham-pionship na nakopo nang hawakan ang 2019 SEA Games edition na idinaos noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kabuuang 40 sports ang inilatag ng Vietnam para sa 2022 SEA Games kumpara sa 54 sports noong 2019.

Tiniyak ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na magiging palaban ang mga Pinoy athletes para sa pagtatanggol sa titulo.

Nagsumite na ang POC ng 626 pangalan ng mga atletang isasabak sa 2022 Vietnam SEA Games.

Ayon kay Tolentino, magkakaibang petsa magtutungo ang mga miyembro ng Team Philippines sa Vietnam depende sa iskedyul ng kanilang mga events.

Matapos ang Vietnam ay ang Cambodia naman ang manga-ngasiwa sa 32nd SEA Games sa 2023.

“Cambodia will host the 32nd edition in 2023 and they want to have at least a year’s window for them to prepare,” ani Tolentino.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with