^

PM Sports

Dobleng pagsisikap

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Maraming world-class athletes na balik na agad sa training pagkatapos na pagkatapos ng awarding ceremony.

Ibig sabihin, pagkauwi galing sa Tokyo Olympics, maraming top-tier Olympians na bumalik na agad sa regular na ginagawa nila sa training.

Wala nang bakasyon pa.

Kaya naman ang payo ni ABAP president Ricky Vargas sa tatlong Olympic boxing medalists: Kung target nilang lumaban uli sa susunod na Olympics, kailangan ang doble kayod sa training.

Siyempre nga naman, markadao na sina Nesthy Petecio, Carlo aPaalam at Eumir Marcial sa 2024 Paris Olympics. Hindi lang markado kung hindi well-scouted sa kanilang ipinakita sa Tokyo Games.

Kaya’t isa pang tamang paalala ang sinabi ng ABAP president kina Petecio, Paalam at Marcial sa virtual meeting noong nakaraang gabi –– kailangang doble ang disiplina, dedikasyon at determinasyon.

Mukha namang determinado ang mga boxers na manatiling gutom sa paghabol sa Olympic gold.

At talagang target na umulit sa pagtungtong sa Olympic podium sa Paris.

Pero sigurado ngang hindi ito madali kaya’t tunay na kailangan ang dobleng pagsisikap.

vuukle comment

TOKYO OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with