^

PM Sports

Kinapos si Thirdy

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinapos sina Thirdy Ravena at San-en NeoPhoenix sa tangkang comeback rally kontra sa Hiroshima Dragonflies, 76-67, sa ikatlong linggo ng Japan B. League 2021-2022 Season kahapon sa Hiroshima Sun Plaza.

Nagkasya lang si Thirdy sa pitong puntos sa maalat na 3-of-12 shooting sahog ang tatlong rebounds para sa NeoPhoenix na bigong masundan ang malaking panalo kontra kina Kobe Paras at Niigata Albirex BB noong nakaraang linggo.

Ito ang unang single digit scoring ni Thirdy matapos magrehistro ng average na 15.2 puntos sa unang apat na laro para sa San-en na bagama’t nalaglag sa 2-3 baraha ay may tsansang makabawi sa Hiroshima (4-1) ngayon sa rematch sa 12:05 ng tanghali.

Nalimitahan din si Kobe Paras sa 13 puntos para sa Niigata na yumukod sa Hokkaido, 88-75.

Naglilista si Paras ng 20.5 puntos sa unang apat na laban ng Albirex BB na nalaglag din sa 2-3 kartada.

Samantala, sa susunod na linggo pa makakalaro sina Javi Gomez de Liaño (Ibaraki), Kemark Cariño (Aomori) at Ma-tthew Aquino (Shinshu).

vuukle comment

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with