^

PM Sports

Choco Mucho sa 7th place

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na nakabangon ang Choco Mucho sa mabagal na simula upang kubrahin ang kanilang unang panalo sa torneo laban sa mga kapwa Pinay na Rebisco, 22-25, 25-17, 25-19, 25-17, sa classification round para magtapos sa ikapitong puwesto ng 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship kahapon sa Terminal 21 Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Solido ang koneksiyon ni playmaker Deanna Wong sa mga spikers nito upang makagawa ng solidong plays partikular na kina Filipino-American outside hitters Kalei Mau at MJ Philips gayundin kina opposite spiker Mylene Paat at middle blocker Riri Meneses.

Nakalikom si Mau ng 20 puntos tampok ang 19 attacks habang kumana naman si Philips ng 13 hits para sa Choco Mucho. Naglista pa si Paat ng 11 markers kabilang ang tatlong aces samantalang may 10 puntos si Meneses kasama ang apat na blocks.

Gayunpaman, magandang exposure ito para sa Pinay Spikers partikular na sa mga bagitong players upang magkaroon ng malalim na karanasan sa international play.

 

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with