^

PM Sports

PBA Player of the Week Calvin Abueva - Magnolia

John Bryan Ulanday - Pang-masa
PBA Player of the Week Calvin Abueva - Magnolia
Calvin Abueva.

MANILA, Philippines — Ipinakita ni Calvin Abueva ang Cignal Play na seryoso itong makuha ang PBA Best Players of the Conference award nang pangunahan nito ang Magnolia Hotshots sa nagdaang linggo ng 2021 PBA Philippine Cup playoffs sa Bacolor, Pampanga na dahilan para igawad sa kanya ang  PBA Press Corps Player of the Week citation.

Nagrehistro si Abueva ng 16.5 puntos at 13.0 rebounds sa mahahalagang panalo ng Hotshots sa quarterfinals kontra saRain or Shine at sa Game 1 ng best-of-seven semifinals kontra sa Meralco para sa 1-0 abante nila.

Kumamada si “The Beast” ng 20 markers at 19 rebounds sa Game 2 ng quarters upang ilaglag ng Magnolia ang ROS bago mag-ambag ng 13 puntos, pitong rebounds, dalawang assists at dalawang steals sa 88-79 semis Game 1 win nila kontra sa Bolts.

“Calvin adds toughness. ‘Yung sistema kasi namin bagay na bagay sa kanya. That’s why nung nakuha namin siya, hindi siya nahirapang mag-adjust. ‘Yun kasi ang laro niya,” ani coach Chito Victolero.

Dinaig ni Abueva ang mga kakamping sina Paul Lee at Ian Sangalang gayundin sina RR Pogoy, Jayson Castro at Troy Rosario ng TNT.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with