^

PM Sports

Mas mahalaga ang titulo kay Abueva

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagama’t nangunguna sa karera para sa Best Player of the Conference award ay mas mahalaga para kay Magnolia forward Calvin Abueva ang makamit ng kanyang team ang 2021 PBA Philippine Cup title.

Ituturing na lamang na bonus ng one-time PBA champion kung makukuha niya ang BPC trophy sakaling pagharian ng Hotshots ang torneo.

“Sabi ko nga kay coach (Chito Victolero), that’s a bonus kapag makuha ko iyon,” sabi ng 33-anyos na si Abueva na nangunguna sa BPC derby sa kanyang 36.4 statistical points kasunod si TNT Tropang Giga rookie guard Mikey Williams na may 35.0 sps.

Humataw ang No. 2 overall pick ng Alaska noong 2012 PBA Draft ng mga averages na 15.8 points, 10.7 rebounds, 2.7 assists at 1.3 block shots per game sa una niyang season sa Magnolia ni Victolero.

Nakuha ng Hotshots si Abueva sa offseason trade sa Phoenix kapalit ni guard Chris Banchero.

Limang beses sumalang sa PBA Finals ang dating kamador ng San Sebastian Stags sa NCAA at nanalo ng isang kampeo-nato noong 2013 Commissioner’s Cup kung saan siya hinirang na Rookie of the Year.

Nakamit ni Abueva ang una niyang BPC award noong 2016 PBA Commissioner’s Cup matapos matalo ang Aces sa Rain or Shine Elasto Painters sa Finals.

“This is the best time na makakuha ka ng ganoon (PBA championship). Ang laki ng opportunity. Ang laki ng dream at pangarap sa buhay na naglalaro ka na may hawak kang championship,” ani Abueva.

Katapat ng Hotshots ang Meralco Bolts sa best-of-seven semifinals series.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with