^

PM Sports

Choco Mucho target ang semis kontra sa Altay-Kazakhstan

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ng Choco Mucho na masikwat ang tiket sa semifinals sa paglarga ng knockout quarterfinal stage ngayong araw sa 2021 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Nagkaroon ng isang araw na pahinga ang Choco Mucho kahapon na kanilang sinamantala para makabuo ng game plan para sa quarterfinals.

Kaya naman itotodo na ng Pinay Spikers ang buong puwersa nito upang makahirit ng puwesto sa Final Four.

Sasagupain ng Choco Mucho ang Altay-Kazakhstan sa alas-6:30 ng gabi (alas-7:30 ng gabi sa Maynila).

Magiging palaban na ang Choco Mucho dahil nakabalik na sa lineup sina Dindin Santiago-Manabat, Ivy Lacsina at Eya Laure na nabigyan na ng clearance.

Inaasahang makakatuwang ni Santiago-Manabat sa opensa sina middle blocker Majoy Baron, opposite hitter Kim Dy at outside hitter Faith Nisperos.

Nagtala si Nisperos ng walong puntos sa kanilang huling laro laban sa Supreme Chonburi-Thailand habang nag-ambag naman si Baron ng pitong hits. May tig-anim sina Santiago-Manabat at Dy. Dagdag sa puwersa ng Choco Mucho ang isa pang bagitong si Mhicaela Belen na naglista ng 13 hits sa kanilang unang laro kontra sa Zhetysu-Kazakhstan noong Biyernes.

Malalaman naman ng Rebisco ang makakalaban sa semis sa magiging resulta ng laro nito kontra sa Saipa Tehran-Iran na nakatakda kagabi.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with