^

PM Sports

Pampanalong triple na naging bato pa

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Apat na laro na ang nawala sa NorthPort dahil sa endgame breaks na napunta sa kalabang koponan.

Latest ang 87-88 heartbreaker na sinapit sa mga kamay ng San Miguel Beer dahil sa last-gasp short jumper ni Alex Cabagnot sa Game One ng kanilang PBA Philippine Cup best-of-three quarterfinals face-off.

Usapan na dapat ang “Dame” three-pointer na ipinukol ni Robert Bolick na nagbigay sa NorthPort ng 87-86 bentahe sa huling limang segundo ng laro.

Pero ito ay nauwing footnote dahil sa winning play ng nagbabalik na ace San Miguel Beer guard.

Kung maisasalba pa rin ng NorthPort ang serye, aarangkada ang laban ni Bolick para sa Best Player of the Conference award.

Halos three-way tie sa unahan ng karera sina Calvin Abueva ng Magnolia (35.36), Mikey Williams ng TNT Tropang Giga (35.20) at Bolick (35.27).

Pero kung wala ang won-game bonus points at accumulated points lang ang pagbabasehan, nasa unahan si Bolick (328), kasunod si Jason Perkins ng Phoenix (313) at Abueva (309).

Malaking bentahe sa karera ang makakarating ng malayo ang team sa post-elims play.

Sa bagay na ito, llamado sina Abueva at Williams dahil isang panalo lang. eh pasok na ang kanilang koponan sa semifinals. Kailangan ng koponan ni Bolick na manalo ng dalawang sunod upang makausad.

Kung ngayon na ang botohan, kay Bolick ang aking boto.

 

vuukle comment

NORTHPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with