^

PM Sports

Kiefer Ravena diretso na ang paglalaro sa Shiga Lakestars

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy na ang pag-lalaro ni Kiefer Ravena sa Shiga Lakestars sa Japan B. League matapos makakuha ng clearance mula sa mother club na NLEX Road Warriors at PBA.

Pinayagan na ng Road Warriors si Ravena na hindi muna bumalik ng Pinas para sa kampanya ng NLEX sa 2021 PBA Philippine Cup playoffs dahil sisiklab na rin ang 2021-2022 B. League Season sa susunod na linggo.

Ayon sa unang kasunduan ng mga partido ay tatapusin muna sana ni Ravena ang Philippine Cup kasama ang NLEX bago sumali sa Shiga.

Subalit kinailangan agad lumipad ni Ravena sa Japan noong nakaraang buwan bunsod ng mga kailangang ayusin na papeles at mahihirapan nang bumalik dahil sa quarantine protocols ng COVID-19 pandemic.

Lalarga na ngayon ang playoffs ng PBA Philippine Cup habang sa susunod na wekeend naman ang debut ni Ravena para sa Shiga kontra sa team ng kapatid niyang si Thirdy na San-En NeoPhoenix.

 Inaasahang babalik si Ravena sa NLEX at sa PBA sa susunod na taon pagkatapos ng kanyang kontrata sa Lakestars at B. League ayon sa kasunduan nila matapos bigyan ng basbas na makapag-laro doon noong Hulyo.

Samantala, sa Taiwan T1 League naman maglalaro si Filipino-American prospect Jason Brickman matapos pumirma sa Kaohsiung Poseidon Aquas.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with