^

PM Sports

Obiena patok sa Hangzhou

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Hawak na ni EJ Obiena ang Asian record sa men’s pole vault matapos liparin ang 5.93 meters sa kalilipas na event sa Innsbruck, Austria.

Sinundan niya ito ng 5.81m sa Berlin, Germany kahapon – performance na patok pa rin sa Asian level.

Kung patuloy na maglalaro sa ganitong marka o mag-improve pa si Obiena, may isa na kaagad na gold-medal contender ang Team Phl sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.

Determinado si Obiena sa ensayo, target ang ultimate goal na mag-medalya sa Olympics.

Along the way, malamang na sumungkit siya ng medalya sa Hangzhou Games.

Dahil manipis pa ang experience, tumapos lang na pang-pito si Obiena noong 2018 Jakarta Asiad kung saan itinanghal na kampeon si Japanese Seto Yamamoto sa lipad na 5.70m.

Parehong nagsimula sa 5.30m sina Yamamoto at Obiena na kinuha nila sa unang attempt.

Pero pagkatapos eh itinaas kaagad ni Obiena ang bar sa 5.50.

Ang siste, hindi niya ito nakuha kaya naiwan sa seventh place at tinalo nina Yamamoto (5.70), Chinese Yao Jie (5.50), Thai Patsapong Amsamang (5.50), Kazakh Segey Grigoryeb (5.40), Saudi Hussain Al-Hizam (5.40) at Korean Jin Min-sub (5.40).

Pero malayo na ang narating ni Obiena pagkatapos noon. Malawak na ang experience. At mayroon nang tahid.

Malamang sa kanya ang ginto sa Hangzhou.

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with