^

PM Sports

Hangzhou excitement

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Busy ang kalendaryo ng Gilas Pilipinas mula sa unang sikad ng FIBA World Cup qualifiers sa Nob­yembre hanggang sa World Cup proper sa 2023.

Sa pagitan nito, nariyan ang SEA Games sa Hanoi, Asia Cup sa Jakarta at Asian Games sa Hangzhou.

Walang dudang pagtutuunan ng pansin ng SBP leadership ang lahat ng ito tungo sa mithiin na di­senteng showing ng Gilas sa 2023 World Cup bilang host team.

Ang aking excitement eh nasa Hangzhou Asian Games.

Dahil sigurado ako na suntok sa buwan ang tsansa natin na makarating sa taas sa World Cup, maliit na bagay sa Gilas ang SEAG, at no-bearing sa Gilas ang WC qualifiers.

Para sa akin, ang tunay na laban para sa Gilas eh ang Asian Games.

Taong 1998 pa huling nagmedalya ang Pilipinas sa Asian Games – kortusiya ng Centennial Team ni coach Tim Cone na nag-third place sa Bangkok.

Dahil hindi kasali ang Australia at New Zealand sa Asiad, mas malaki ang tsansa natin mag-contend dito kaysa sa Asia Cup na dominado na ng mga Aussies.

Sa 2018 Jakarta Asiad, bahagyang na-miss ng Gilas ang Final Four kahit na ilang araw lamang ang kanilang preparasyon sa ilalim ng giya ni coach Yeng Guiao.

At yon eh ang panahon na suspendido ng FIBA ang regular Gilas players dahil sa kanilang paki­kipag­rambulan sa Team Australia.

Excited ako sa kung ano ang maipapakita ng mga Gilas cadets sa Hangzhou.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with