Gilas belles dapat manatili sa bigating grupo
Dahil sa asenso at pagsama sa mga bigatin sa women’s basketball sa rehiyon, diretso ang kampan-ya ng Gilas belles kahit nasa gitna ng pandemya.
Nakatakda silang sumabak sa FIBA Asia Wo-men’s Cup sa Amman, Jordan na magsisimula Set. 27.
Gaya noong 2019, limitado ang competition para lang sa elite group na kinabibilangan din ng Australia, China, Chinese Taipei, India, Japan, Korea at New Zealand.
Walang Division II play, siguro upang hindi mas-yadong dagsa ang papasok sa Amman, at mabawasan ang posibilidad ng pagpasok ng COVID-19 virus.
Haharapin ng Gilas belles ang Australia, China at Chinese Taipe sa group matches.
Automatic semifinal entry ang regalo sa mangunguna sa elimination round, samantalang maglalaban ang No. 2 and No. 3 para sa isa pang semis berth sa grupo.
Ang No. 4 naman eh haharap sa kaparehong fourth finisher sa kabilang grupo sa classification match na magdedetermina ng seventh and eighth placers.
Noong 2019 edition sa Bangalore, India, tinalo ng Gilas ang host team, 92-78, upang tumapos na pang-pito.
Isasalang ni coach Pat Aquino ang kanilang prized find sa katauhan ni Fil-Am guard Ella Fajardo sa parating na torneo.
Lumakas ang backcourt ng Gilas women’s pero humina ang frontcourt dahil hindi available si Jack Animam na sasalang sa pro league sa Serbia.
Ang mithiin eh manatili sa elite level kahit na suntok sa buwan ang tsansa kontra sa Japan, Australia, China at Korea na pawang contenders kahit na sa world level.
- Latest