Athletics training camp sa Baguio
MANILA, Philippines — Sa susunod na buwan plano ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) na gawin ang kanilang training camp sa Baguio City bilang pagha-handa sa dalawang international competitions sa 2022.
Sinabi kahapon ni PATAFA president Philip Ella Juico na hinihintay pa nila ang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ang pondong magmumula sa Philippine Sports Commission (PSC).
“We go by the advice of the Philippine Sports Commission on when they can make available the money and when the IATF says yes na puwede na,” ani Juico sa panayam ng Radyo Pilipinas 2. “We have submitted our budget, they have it and it’s just a matter of them releasing the budget and say go na kayo.”
Paghahandaan ng mga national athletes sa 2022 ang Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam at ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Tatlong beses nang sinulatan ng PATAFA ang IATF para makakuha ng go signal para sa kanilang planong training camp.
- Latest