^

PM Sports

Bagong equipment para sa mga Paralympians

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumili ng mga bagong equipment ang Philippine Sports Commission (PSC) para mapalakas ang tsansa ng anim na national para athletes na makuha ang kauna-unahang gold medal sa Paralympics.

“Malaking pagbabago talaga. Nag-purchase kami ng mga bagong equipment. Hindi lang sa wheelchair, pero lahat sila (para athletes) binigyan namin ng bago,” wika ni PSC Commissioner Arnold Agustin.

Lalahok sina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, taekwondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, discus thrower Jeanette Aceveda at powerlifter Achele Guion sa Tokyo Paralympics sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

 Pa-Tokyo na ngayon ang delegasyon.

“Pagkatapos ng Rio (de Janeiro, Brazil) Olympics talagang sinabihan namin sila na mag-submit ng kailangan nilang equipment para maging updated tayo,” wika ni Agustin.

Hindi pa nananalo ang Pinas ng Paralympics gold sapul nang lumahok noong 1988 sa Seoul, Korea.

Ang pagkopo ni national weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng bansa ang nagsisilbing inspirasyon nina Gawilan, Bejino, Ganapin, Mangliwan, Aceveda at Guion.

“Actually, napakalaking inspirasyon ng outcome ng ating mga abled-bodies athletes sa Tokyo Olympics eh,” ani Agustin. “Doon sila nai-inspire at doon sila humuhugot ng lakas para magpursige sila na magkaroon ng medalya.”

Bilang dagdag na motibasyon ay binigyan ng PSC ang anim na Pinoy Paralympians ng allowance na tig-$3,000 (P150,000).

 

vuukle comment

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with