^

PM Sports

Alaska pinatikim ang Rain or Shine

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinalasap ng Alaska sa Rain or Shine ang una nilang napakasaklap na kabiguan, 74-48, sa 2021 PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kumawala ang Aces sa first half pa lang at ‘di na lumingon pa tungo sa malaking 26-puntos na tagumpay at 2-2- kartada sa likod ng 13 puntos ni Rodney Brondial.

Humakot din ng 12 puntos at 13 rebounds si Abu Tratter para sa Alaska na nilimitahan ang Elasto Painters sa pinakamababa nilang iskor sa franchise history simula nang pumasok sa PBA noong 2006.

Walang player ang nakaiskor ng double di-gits para sa ROS (3-1), na pumangalawa Shell para sa lowest output sa kasaysaysan ng PBA matapos itong matalo sa Mobiline noong 2000 All-Filipino Cup, 47-79.

Ito na rin ang pinakamababang iskor sa PBA sa loob ng walong taon buhat nang talunin ng Petron ang Shopinas, 60-53, noong 2013 Commissioner’s Cup.

Sa unang laro, nagpasiklab sa wakas si six-time MVP June Mar Fajardo mula sa matagal na injury recovery sa pagtabo ng 16 puntos, 11 rebounds at dalawang supalpal sa 99-80 panalo ng San Miguel Beer kontra sa Blackwater.

Umariba rin sina CJ Perez at Alex Cabagnot na may 14 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa ikatlong sunod na panalo ng Beermen (3-1) matapos ang sablay na debut kontra sa Meralco.

Nasayang ang 25 markers ni Simon Enciso para sa Bossing na sumadsad sa 0-4 kartada.

Samantala, tinanghal naman na Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week si Ian Sangalang ng Magnolia.

 

 

vuukle comment

RAIN OR SHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with