^

PM Sports

May dahilan si Kai Sotto

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpaliwanag si Kai Sotto sa kanyang desisyon na lumiban muna sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2021 FIBA Asia Cup bunsod ng nakalinyang commitment para sa Adelaide 36ers sa Australia NBL.

Sinabi ng 19-anyos ace na bagama’t nais sana niyang lumaro pa sa Gilas ay ilalaan muna niya ang atensyon sa Adelaide kung saan siya pumirma ng kontrata noong Abril at itinuturing niyang krusyal na hakbang para sa kanyang NBA dream.

Humingi si Sotto ng pang-unawa sa kanyang desis-yon na una nang nakapaglingkod sa bayan sa paglalaro sa FIBA Asia Cup Qualifiers third window sa Pampanga at sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Serbia noong nakaraang buwan.

Lilipad na ang 7-foot-3 wunderkind na si Sotto sa Australia sa Agosto 1 para paghandaan ang NBL debut na magiging posibleng daan niya sa mithiing maging kauna-unahang homegrown Pinoy sa NBA.

“Babalik ho ako sa Gilas na mas malakas at mas maraming natutunan sa aking paglalaro sa Australia. Ipagdadasal ko po ang mga kasamahan ko para sa Asia Cup and I will be one of their loudest fans,” ani Sotto.

Sa pagkawala ni Sotto ay nauwi na lang sa 17-man pool ang 20-man training camp sana ng Gilas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna dahil out na rin sina Jaydee Tungcab at Kemark Carino bunsod ng injuries.

Si naturalized player Ange Kouame ang mamumuno sa Gilas na sasalang muna sa King Abdullah Cup sa Jordan mula Hulyo 25-Agosto 3 bilang final build-up nila bago ang Asia Cup sa Agosto 17-29 sa Indonesia.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with