^

PM Sports

Unang panalo ng Cignal

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napigilan ng Cignal ang ratsada ng Sta. Lucia Realtors, 25-22, 25-18, 13-25, 25-20 upang masikwat ang kanilang unang panalo kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na ginaganap sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Mabilis na nakuha ng HD Spikers ang 2-0 bentahe sa likod ng pinagsanib na puwersa nina Roselyn Doria, May Luna at Jonah Sabete.

Nagawang makabalik sa porma ng Lady Realtors sa third set matapos umariba sina MJ Philips, Aiza Maizo-Pontillas at Jovielyn Prado para makadikit sa 1-2.

Subalit hindi na nagpabaya pa ang HD Spikers sa ikaapat na kanto partikular na sa huling sandali ng laro upang makuha ang kanilang pambuenamanong panalo sa dalawang pagsalang.

Nakakolekta ng kabuuang 14 puntos si Doria mula sa limang attacks, limang blocks at apat na aces para pamunuan ang HD Spikers.

“Nakaka-proud ang bilis ng adjustment. Imagine one game wala ka-ming laro and then me laro na ulit. Good thing kahit papaano lumalabas ang pre-paration namin,” ani Cignal coach Shaq Delos Santos.

Galing ang HD Spikers mula sa masaklap na 16-25, 13-25, 19-25 kabiguan sa Chery Tiggo.  

 

vuukle comment

CIGNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with