Yuka Saso dumating na sa Tokyo
MANILA, Philippines — Dumating na sa Tokyo si 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso noong Lunes matapos piliing paghandaan ang Olympics kaysa lumahok sa LPGA major tournament na Evian Championship sa France na hahataw bukas.
Isa ang 20-anyos na si Saso sa sinasabing malaki ang tsansang makamit ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa matapos talunin ang mga bigating professional golfers sa nakaraang US Women’s Open.
Kasunod ni Saso na darating sa Tokyo si Juvic Pa-gunsan sa Sabado at si Bianca Pagdanganan sa Hulyo 29.
Magsisimula ang men’s golf competition sa Hulyo 29, habang ang women’s class ay hahataw sa Agosto 4 sa Kasumigaseki Country Club.
- Latest