^

PM Sports

Teams to beat pa rin

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Salengkwang ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa kanilang unang laro sa PBA Season 46 Philippine Cup.

Na-upset ng Meralco Bolts ang Beermen, 93-87, samantalang nagulantang ng NLEX Road Warriors ang Gin Kings, 94-75, noong nakaraang gabi.

Pero kibit-balikat lang ang mga miron.

“Kita mo sa huli, silang dalawa ang nasa finals,” ngisi ng isa sa mga nakaumpok na nanonood sa aming TV sa opisina.

Hindi rin naman tumaas ang ere nina Meralco coach Norman Black at ng NLEX tactician na si Yeng Guiao. Pareho silang naniniwala na hindi iyon reflection ng malamang na magiging kampanya ng San Miguel at Ginebra.

Sila pa rin daw ang teams to beat.

Pareho ang linya nina Black at Guiao – suwerte sila dahil nakaharap nila ang Beermen at Gin Kings sa simula pa lang ng torneo at hindi pa sila gaanong preparado.

Season opener game iyon para sa SMBeer  at Ginebra, samantalang pangalawa laro na para sa Meralco at NLEX.

Sa unang sigwada ng tournament, lumamang agad ang Meralco at Rain or Shine na may parehong 2-0 kartada.

 

vuukle comment

SAN MIGUEL BEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with