^

PM Sports

Momentum ni Saso

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Hindi na nagkatsansa si Yuka Saso na umarangkada pa mula fifth place nang walisin ng ulan ang huling araw ng Marathon LPGA Classic sa Sylvania, Ohio.

Washed out ang final round at tinanghal na kampeon si Nasa Hataoka, ang Haponesa na tinalo ni Saso sa playoff ng nakaraang US Women’s Open.

Mula 65th naman, umarangkada pa-fifth place si Saso dahil sa malupit niyang palo sa second round at Day 3. Maaaring pumasok pa siya sa Top 3 kung hindi naputol ng ulan ang torneo.

Ganoon pa man, may maganda pa rin siyang momentum na sana eh mapag-init pa niya sa isa pang LPGA tourney na kanyang lalaruan bago tumulak pa-Japan sa paghabol ng ginto sa Olimpiyada.

Dahil Filipina-Japanese, maituturing na rin na may tangan si Saso na homecourt advantage sa Tokyo Games golf competition na nakatakda sa Aug. 4-7 sa Kasumigaseki Country Club sa Saitama.

Two-event winner si Saso sa Japan LPGA and one-time Major winner na sa LPGA kaya maikokonsidera na isa sa mga strong bets ng Pinas na makuha ang mailap na Olympic gold.

Sampung araw na lang at aarangkada na ang Olympics.

At muli, ako ay nakakaramdam na dito na matatapos ang paghabol ng bansa sa kauna-unahang Olympic gold.

vuukle comment

YUKA SASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with