^

PM Sports

PBA bukas sa pagiging guest team ng Gilas Pilipinas sa Season 46

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nananatiling bukas ang pinto ng PBA sa Gilas Pilipinas para maging guest team sa Season 46  bilang bahagi ng patuloy na programa nito para sa mga nakalinyang international tournaments.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, nakatakda silang magpulong ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio upang talakayin ang detalye kung nais ng Gilas na makapaglaro sa PBA.

Hindi pa malinaw ngayon kung sa Philippine Cup o sa Governors’ Cup maaaring makalaro ang Gilas, ngunit para kay Marcial ay puwedeng-puwede sila sa PBA na magpakundisyon kahit ilang laro lang.

Para sa nalalapit na FIBA Asia Cup sa Agosto sa Indonesia ay planong magsimula ng Gilas sa paghahanda sa ikatlong linggo nitong buwan na sasakto sa paglarga ng PBA sa Hulyo 16 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kagagaling lang ng Gilas sa kampanya sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Serbia gayundin sa pagwalis sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga.

Kung sakali ay ito ang magiging ikatlong beses na maglalaro ang RP team sa PBA matapos ang Northern Consolidated Cement noong 1985 PBA Reinforced Conference at Smart Gilas 1.0 noong 2011 PBA Commissioner’s Cup.

Kampeon ang NCC noon sa ilalim ni coach Ron Jacobs habang nakaabot sa semifinals ang Smart Gilas ni coach Rajko Toroman.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with