Suns naka-2 dikit na
PHOENIX — Dalawang panalo na lang ang kailangan ng Suns para makopo ang kanilang kauna-unahang NBA title.
Kinuha ng Phoenix ang malaking 2-0 lead matapos muling talunin ang Milwaukee Bucks, 118-108, sa Game Two ng kanilang best-of-seven championship series.
Kumamada si shoting guard Devin Booker ng 31 points habang may 27 at 23 markers sina Mikal Bridges at Chris Paul, ayon sa pagkakasunod, para sa Suns na nagsalpak ng 20 three-point shots.
“It’s a 0-0 mindset for us,” ani Booker. “It’s a game-seven mentality for us. Every game is a game seven for us. It gets rowdy up there but we’ll be ready for it.”
Inaasahang babawi ang Bucks sa Game Three na idaraos sa Milwaukee sa Lunes (Manila time).
“We know it gets rowdy in Milwaukee, but I think we’re ready for it,” wika ni Booker, kumonekta ng pitong triples para sa Phoenix.
Nagtala ang Suns ng 15-point lead sa third quarter bago nakadikit ang Bucks sa 102-110 mula sa tres ni Pat Connaughton sa huling 1:46 minuto ng fourth period.
Ngunit ang dalawang free throws ni Bridges ang muling nagbigay sa Phoenix ng double-digits advantage para tiyakin ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa serye.
Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 42 points at 12 rebounds para banderahan ang Milwaukee at nagdagdag sina Jrue Holiday at Khris Middleton ng 17 at 16 markers, ayon sa pagkakasunod.
- Latest