Abalos tiwala sa Heneral Kalentong
MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ni horseowner at breeder Benhur Abalos sa kanyang pambatong Heneral Kalentong sa pagtakbo nito sa Philracom Chairman’s Cup sa Linggo sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.
Aminado si Abalos na mabigat ang laban dahil kasali ang nagwagi sa 2021 Commissioners’ Cup na Super Swerte, reigning Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island at two-time Sampaguita Stakes winner Princess Eowyn.
“Nakahanda ang Heneral Kalentong for this one. He’s been performing well sa mga ensayo and we can only hope for the best. Medyo mabigat pa ang laban but we’ll still do our best,’’ ani MMDA chairman Abalos.
Tiyak naman na may ibubuga ang Heneral Kalentong sa nasabing event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) at may distansyang 1,800 meter race.
Winalis ng Heneral Kalentong ang tatlong legs ng Triple Crown Championships noong 2020 kaya nakilala sa industriya ng karera.
- Latest