^

PM Sports

Madaling nakapag-adjust si Kai Sotto

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Madaling nakapag-adjust si Kai Sotto
Kai Sotto

MANILA, Philippines — Bagama’t saglit lang nakapagsanay kasama ang koponan, nangako si Kai Sotto na handa siya sa kanyang debut sa men’s team  ng Gilas Pilipinas matapos ang ilang taong pagtrangko sa national youth team.

Ayon kay Sotto, madali siyang nakapag-adjust sa ilang araw na ensayo sa Gilas at natutunan agad ang sistema ni head coach at program director Tab Baldwin para sa inaabangang unang pagsalang niya kontra  sa South Korea sa paglarga ng huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga.

“For me, I didn’t really find anything hard to learn. I think that’s one of my strengths: I’m a fast learner and I’m very fast to adjust,” ani Sotto na swak sa final 12 line-up ng Gilas.

Noong Hunyo 1 lang dumating sa bansa si Sotto mula sa United States at kinailangan pang sumailalim sa mandatory quarantine protocol bago makasama nang bahagya sa ensayo ng Gilas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Nakatulong sa kanyang mabilis na adjustment ang pagsalang sa dating ensayo ng Gilas noong Pebrero bago naudlot ang huling window ng Asia Cup Qualifiers at maurong ngayong buwan.

Dagdag dito ang pamilyaridad ni Sotto sa mga dating Ateneo Eaglets teammates na sina SJ Belangel, Geo Chiu at Dave Ildefonso gayundin kay Carl Tamayo na nakasama niya sa pagbuhat ng Gilas youth team sa ilang FIBA Asia podium finishes at FIBA World Cup appearances.

 

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with