^

PM Sports

Kiefer ‘di talaga uubra

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagdesisyon na ang PBA Board of Governors na hindi talaga maaaring makapaglaro si Kiefer Ravena sa Japan B. League bunsod ng umiiral na kontrata niya sa NLEX at sa PBA sa ilalim ng pinirmahan niyang Uniform Players Contract.

“The PBA Board has come out with its decision that follows specifically a philosophy on the importance of a contract,” ani PBA Chairman Ricky Vargas sa press conference kahapon matapos ang pagpupulong kasama ang iba pang board of governors. “The Board has decided that Kiefer has to honor his contract with NLEX and with the PBA.”

Susulat ang PBA sa Japan B. League upang ihayag ang mga naging batayan sa naging desisyon nito.

Ipinaalam na rin ng PBA ang naging desisyon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) bilang miyembrong asosasyon.

Ito rin ang paninindigan ng FIBA sa mga parehong insidente bunsod ng kabanalan ng mga kontrata

Nalagay sa sentro ng usap-usapan ang PBA, NLEX at si Ravena nitong linggo matapos inanunsyo ng B. League ball club na Shiga Lakestars na maglalaro na sa kanila si Ravena simula sa 2021-2022 Season sa ilalim ng Asian Player Quota program.

Kaagad na nanindigan si PBA Commissioner Willie Marcial na hindi puwede ang Japan stint ni Ravena dahil may live contract siya sa liga at sa mother team na NLEX.

Ito rin ang naging posisyon ng Road Warriors na sinabing kailangang sundin ang naging kasunduan nila ni Ravena at ng PBA sa ilalim ng UPC kahit pa suportado nila ang kanyang paglalaro sa Japan.

vuukle comment

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with