^

PM Sports

Nets, Hawks abante sa 3-1

Pang-masa
Nets, Hawks abante sa 3-1

NEW YORK — Kapwa namuro ang Brooklyn Nets at Atlanta Hawks para tapusin ang kani-kanilang first-round playoffs series habang nakatabla ang Phoenix Suns at Los Angeles Clippers.

Nagtala si Kevin Durant ng 42 points at kumolekta si Kyrie Irving ng 39 points at 11 rebounds sa 141-126 paggupo ng Nets sa Boston Celtics sa Game Four para iposte ang 3-1 lead sa kanilang serye.

Humakot si James Harden ng 23 points at career postseason-high 18 assists para sa Brooklyn na maaari nang tapusin ang kanilang best-of-seven series ng Boston sa Game Five bukas.

Ang pinagsamang 104 points nina Durant, Irving at Harden ang dumuplika sa NBA playoff record nina John Havlicek, Jo Jo White at Dave Cowens ng Boston noong 1973 na iniskor din nina Dominique Wilkins, Randy Whitman at Spud Webb ng Atlanta noong 1986.

Hangad ng Nets na makaabante sa Eastern Conference semifinals sa unang pagkakataon matapos noong 2014.

Habang papalabas ng court ay binato si Irving ng bote ng bottled water ng isang Celtics fan na nakasuot ng Kevin Garnett jersey mula sa stands na kaagad nahuli ng security arena.

Sa Atlanta, kumamada si Trae Young ng 27 points kasunod ang 22 markers ni John Collins sa 113-96 pagdagit ng Hawks sa New York Knicks para kunin ang 3-1 abante sa kanilang serye.

Target ng Atlanta ang una nilang playoff series victory matapos noong 2016.

Sa Los Angeles, tumipa si Chris Paul ng 18 points at 9 assists at may tig-17 markers sina Devin Booker at Jae Crowder para sa 100-92 panalo ng Phoenix Suns sa Lakers at itabla sa 2-2 ang kanilang duwelo.

Nag-ambag si Deandre Ayton ng 14 points at 17 rebounds para sa Phoenix na sinamantala ang pagkawala ni Los Angeles star Anthony Davis sa second half bunga ng groin injury.

Sa Dallas, nagsumite si Kawhi Leonard ng 29 points at 10 rebounds at may 20 makers si Paul George sa 106-81 pagbugbog ng Clippers sa Mavericks para itabla sa 2-2 ang kanilang sariling serye.

Tumapos si Dallas star Luka Doncic na may 19 points, 6 assists at 6 boards sa kabila ng kanyang cervical strain.

vuukle comment

BROOKLYN NETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with