^

PM Sports

Nets, Mavs angat na rin sa 2-0

Pang-masa
Nets, Mavs angat na rin sa 2-0

NEW YORK — Kapwa ipinoste ng Brooklyn Nets at Dallas Mavericks ang 2-0 bentahe sa kani-kanilang first-round playoffs series habang nakatabla ang nagdedepensang Los Angeles Lakers.

Dinuplika ni Joe Harris ang franchise playoff record sa kanyang pitong three-pointers sa 130-108 paggupo ng Nets sa Boston Celtics sa Game Two ng kanilang Eastern Conference first-round playoff series.

Tumapos si Harris na may career playoff-high na 25 points at umiskor si Kevin Durant ng 26 markers para sa 2-0 kalamangan ng Brooklyn sa kanilang serye ng Boston.

Nagdagdag si James Harden ng 20 points at tumipa si Kyrie Irving ng 15 points, 6 rebounds at 6 assists para sa Nets na tinalo ang Celtics, 104-93 sa Game One.

Ang tatlong sunod na tres ni Harris ang nagbigay sa Brooklyn ng 25-13 abante sa first period hanggang kunin ang 20-point lead sa second half na hindi na napaliit ng Boston.

Pinamunuan ni Marcus Smart ang Celtics sa kanyang 19 points kasunod ang 17 markers ni Kemba Walker at nalimitahan si leading scorer Jayson Tatum sa 9 points.

Sa Los Angeles, nagposte si Luka Doncic ng 39 points, 7 boards at 7 assists para pamunuan ang Mavericks sa 127-121 pagpapatumba sa Clippers at ilista ang 2-0 bentahe sa kanilang Western Conference first-round series.

Nagsalpak si Tim Hardaway Jr. ng isang tres para sa 123-116 kalamangan ng Mavericks sa huling minuto ng fourth quarter na sinundan ng apat na free throws ni Josh Richardson para iwanan ang Clippers.

Sa Phoenix, itinabla ng Lakers ang kanilang serye ng Suns sa 1-1 matapos angkinin ang 109-102 panalo tampok ang 34 points ni Anthony Davis.

Nag-ambag sina Dennis Schroder at LeBron James ng 24 at 23 markers, ayon sa pagkakasunod para sa pagbangon ng Lakers sa 90-99 pagkatalo sa Game One.

Binanderahan ni Devin Booker ang Phoenix sa kanyang 31 points.

vuukle comment

BROOKLYN NETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with