Pang-16 gold ni De Los Santos
MANILA, Philippines — Ayaw paawat ni world No. 1 Orencio James De Los Santos na humirit na naman ng gintong medalya sa third leg ng Budva Winner Adria Cup eTournament kahapon.
Muling naglatag ng isang world-class routine ang 30-anyos na Cebuano para igupo si Alfredo Bustamante ng Amerika, 25.1-24.0 sa gold-medal match ng men’s individual seniors kata.
Nakapasok sa finals si De Los Santos matapos payukuin si Domont Matias Moreno ng Switzerland sa semifinals.
Umabot na sa 16 gintong medalya ang nakamit ni De Los Santos sa taong ito at ika-52 kabuuan sa online tournament sapul nang sumali ito noong nakaraang taon.
- Latest