Bucks nakatakas sa Brooklyn
MILWAUKEE — Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 49 points, 8 rebounds, 4 assists at 3 block shots para banderahan ang Bucks sa 117-114 pagtakas sa Brooklyn Nets.
Nag-ambag si Khris Middleton ng 26 points at 11 rebounds para sa masolo ng Milwaukee (40-24) sa third spot sa Eastern Conference na nagpalakas sa kanilang tsansa sa playoffs.
Nasa itaas ng Bucks ang mga pasok na sa playoffs na Philadelphia 76ers (42-21) at Nets (43-22).
Pinamunuan ni Kevin Durant ang Brooklyn sa kanyang 42 points ngunit naimintis niya ang panabla sanang fadeaway three-pointer sa pagtunog ng final buzzer.
Ang basket ni Antetokounmpo ang nagbi-gay sa Bucks ng 117-112 abante kasunod ang layup ni Kyrie Irving na nagdikit sa Nets sa 114-117.
Sa San Antonio, nagposte si Joel Embiid ng 34 points at 12 rebounds sa 113-111 overtime win ng 76ers (42-21) sa Spurs (31-32).
Sa Oklahoma City, kumamada si Devin Booker ng 32 points sa 123-120 paglusot ng Phoenix Suns (46-18) sa Thunder (21-44).
Sa Los Angeles, kumolekta si Pascal Siakam ng 39 markers at 13 boards sa 121-114 paglapa ng Toronto Raptors (27-38) sa nagdedepensang Lakers (36-28).
Sa Boston, humugot si CJ McCollum ng 10 sa kanyang 33 points sa fourth quarter para igiya ang Portland Trail Blazers (36-28) sa 129-119 panalo sa Celtics (34-31).
Sa Charlotte, nagsumite si Bam Adebayo ng 20 points at may 18 markers si Jimmy Butler sa 121-111 pagsunog ng Miami Heat (35-30) sa Hornets (31-33).
Sa Houston, umiskor si Julius Randle ng 31 points sa 122-97 pagdaig ng New York Knicks (36-28) sa Rockets (16-49).
- Latest