^

PM Sports

Marcial, Diaz, Obiena totodo na

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Todo-kayod na ang mga Pinoy bets na sasabak sa Tokyo Olympics na aarangkada tatlong buwan mula ngayon.

Puspusan na sa kanya-kanyang training camps sina Eumir Marcial, Hidilyn Diaz at Ernest John Obiena na pare-parehong naghahangad na makasikwat ng gintong medalya sa 2021 Olympic Games.

Nagsimula nang mag-ensayo sa Zamboanga City si Marcial matapos makumpleto ang quarantine period. Ga-ling siya sa Amerika mula sa ilang buwan na training camp kasama sina Freddie Roach at Justin Fortune.

Maliban sa sparring, dumaan din si Marcial sa anim na rounds na punch mitts kasama si coach Gerson Nietes na siyang itinalaga ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na makasama nito sa Valiente MLV gym. “My first session here at the Valeinte MLV gym has been an extreme experience after a three-round partner play with the former WBO Oriental super lightweight champion Anthony Marcial,” aniya.

Sa kabilang banda, nais ni Diaz na magkaroon ng magarbong pagtatapos ang kanyang makulay na career sa kanyang ikaapat na pagsalang sa Olympics.

“Last three months na lang ito. Kailangan buhos na,” wika ni Diaz, kasalukuyang nasa training camp sa Kuala Lumpur, Malaysia, sa isang virtual press conference kahapon.

Naibulsa ng tubong Zamboanga City ang tiket para sa 2021 Olympics matapos lumahok sa nakaraang Asian Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan.

Sa kabilang banda, excited na si Obiena sa kaniyang debut sa Olympics. “I feel good. I’m strongest as I have ever been. It’s a very good place where I am right now,” wika ng 6-foot-2 na si Obiena na katulad ni Diaz ay kumolekta rin ng gold medal noong 2019 Southeast Asian Games.

Maliban kina Marcial, Diaz at Obiena, tatarget din ang Olympic gold nina gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Wala pang Pinoy na nanalo ng Olympic gold sapul nang lumahok ang bansa noong 1924 sa Paris.

 

vuukle comment

TOKYO OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with