^

PM Sports

COVID-19 testing sa karera

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtungo naman sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ang DOH at Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) upang magbigay ng libreng COVID-19 testing para sa mga sota at helpers.

Naging matagumpay ang event dahil sa tulong na rin nina chairman Reli de Leon at Senator Bong Go para sa kaligtasan ng mga nagtatrabaho sa karerahan laban sa mapanganib na coronavirus (COVID-19).

Noong nakaraang buwan lamang naisagawa ang unang libreng COVID-19 testing sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

Tinitiyak ng PHILRACOM ang kaligtasan ng lahat upang maging maayos ang lahat sa pagbabalik-aksyon sa karerahan.

Posibleng humaba pa ang pagkakatengga ng karera dahil nagkaroon ng extension ang modified enhanced community quarantine, (MECQ) sa National Capital Region (NCR) plus bubble na kinabibilangan ng Cavite kung saan naroroon ang San Lazaro Leisure Park sa Carmona at Sta. Ana Race Park sa Naic.

Habang naghihintay ng go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF), ihinahanda na rin ng racing clubs ang kanilang stakes races na ilalarga  sa oras na puwede nang magpabalik aksyon ang karera.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with