^

PM Sports

Tokyo guidelines

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Testing to the max ang haharapin ng mga atleta at iba pang participants sa paggulong ng Tokyo Olympics sa gitna ng pandemya.

Ito eh ayon sa 60-page, second version ng “Playbooks” na inilabas ng International Olympic Committee at ng local organizers. Ito ang Bible ng Tokyo Olympics o guidelines sa mga haharap sa COVID-19 habang isinasagawa ang Tokyo Games.

Bago pumasok sa Tokyo, dapat dumaan na sa dalawang tests ang mga participants. At panibagong test pagpasok sa Japan.

Hindi matatapos doon ang testing.

Ang mga atleta ay ite-test araw-araw sa kabuuan ng kanilang Tokyo stay.

Hindi lang specified sa “Playbooks” kung anong klaseng test. Kung swab araw-araw, araguy ang loob ng ilong ng mga participants.

Bawal sumakay sa pampublikong sasakyan, kung hindi sa dedicated vehicles lang. Bawal din kumain sa kung saan-saan, kung hindi sa catering facilities sa Games venues at Athletes Village lamang. Madali ang mga bagay na ito.

Ang tingin kong mabigat eh ang testing araw-araw.

Habang target ng mga athleta ang medal-yang ginto, kasama sa isipan nila ang resulta ng kanilang daily test.

Patibayan ng dibdib! Patibayan ng paglaban sa pesteng virus!

vuukle comment

TOKYO OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with