^

PM Sports

PBA kukumbinsihin ang Malakanyang

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilalatag ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Malacañang ang lahat ng kanilang plano para makakuha ng ‘go signal’ sa pagsisimula ng kanilang Season 46.

Nakatakdang makipag-usap sina PBA Commissioner Willie Marcial at Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua kina Executive Secretary Salvador Medialdea at Sen. Bong Go ngayong hapon.

“Ipapakita namin, ie-explain namin na successful iyong bubble, walang bulilyasong nangyari sa bubble sana ma-reward tayo sa ginawa natin.

Ipapakita rin namin iyong mga protocols, ipapakita namin iyong sa FIBA, ipapakita namin lahat,” wika ni Marcial kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition. “Sana makumbinsi namin sila na magsimula na tayo.”

Kabilang sa mga ilalatag nina Marcial at Chua kina Medialdea at Go ay ang gagamitin ng PBA na health and safety protocols na naaayon sa ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) pati na ang kanilang vaccination program.

Matagumpay na nairaos ng liga ang 2020 Philippine Cup sa bubble sa Clark, Pampanga na pinagharian ng Barangay Ginebra laban sa TNT Tropang Giga sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Hanggang ngayon ay wala pang eksaktong petsa at lugar kung saan gagawin ng PBA ang Season 46.

“Siguro by tomorrow after naming mag-usap sa Malacañang, after one or two days may kaunting liwanag na kung saan ang direksyon natin,” ani Marcial.

Balak ng liga na buksan ang Season 46 sa dulo ng Mayo o gitna ng Hunyo.

“Kung maluwag na iyong mga restrictions lahat, siguro mga last quarter. Pero pipilitin namin na sana maglaro tayo by the end of May or mid June hanggang doon,” ani Marcial. “Pipilitin namin na sana payagan tayo.”

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with