Kobe Paras iniwan ang UP para mag-training sa US
MANILA, Philippines — Nilisan na Kobe Paras ang University of the Philippines (UP) upang maging bahagi ng East West Private (EWP)-- ang grupong humahawak kay Kai Sotto sa Amerika.
Pormal nang inihayag ng EWP ang pagpasok ni Paras sa kanilang grupo kahapon sa kanilang social media account.
“Let tomorrow be your second chance to prove that you are better than today and yesterday,” ayon sa post ng EWP sa Instagram.
Ang EWP ang kasalukuyang nangangalaga kay Sotto maging sa ibang Pinoy talents gaya nina Cholo Anonuevo, Sage Tolentino at Caelum Harris.
Awtomatikong mapapaso ang eligibility ni Paras sa UAAP sa oras na lumaro ito sa isang commercial league sa Amerika.
Malungkot si Fighting Maroons head coach Bo Perasol sa paglisan ni Paras na itinuturing nitong may malalim na talento.
“He won’t be eligible in the UAAP anymore if he plays there,” ani Perasol.
Ngunit handa si Perasol na tanggapin si Paras sakaling magbago ang isip nito at muling bumalik sa kampo ng UP.
“But if he still wants to come back and he remains eligible to play in the UAAP, he will be always welcome to play (for UP),” ani Perasol.
- Latest