^

PM Sports

Nabawi ng E-Gilas ang titulo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matagumpay na naibalik ng E-Gilas Pilipinas ang titulo sa kanilang teritoryo matapos pagharian ang FIBA Esports Open III Southeast Asia Conference kahapon.

Inilabas ng Pinoy gamers ang buong tikas nito para pulbusin ang Indonesia sa 2-0 sa best-of-three championship showdown.

Naitarak ng E-Gilas ang gitgitang 60-53 panalo sa Game 1 na agad nitong sinundan ng 44-36 pananaig sa Game 2 para makumpleto ang matamis na sweep sa finals.

Makulay na tinapos ng E-Gilas Pilipinas ang kampanya nito tangan ang malinis na rekord. Na-sweep din ng Pinoy squad ang group stage matapos igupo ang Vietnam (78-40) at Maldives (124-30) bago payukurin ang Mongolia sa pamamagitan ng 2-0 demolisyon sa best-of-three semifinals.

Nakapasok naman sa finals ang Indonesia nang gapiin nito ang Vietnam, 2-0 sa hiwalay na semis series.

Ito ang ikalawang korona ng Pilipinas sa torneo matapos pagharian ang unang edisyon ng FIBA Esports Open Southeast Asia Conference noong Hunyo nang talunin rin nito ang Indonesia sa finals.

Nagkasya lamang sa runner-up ang E-Gilas sa FIBA Esports Open II Southeast Asia/Oceania Conference noong Nobyembre nang matalo sa Australia.

Bahagi ng E-Gilas squad sina Arnie Sison, Clark Banzon, Custer Galas, Ian Santiago, Philippe Herrero, Rial Polog Jr.  at ang Most Valuable Player ng torneo na si Aljon “Shintarou” Cruzin.

vuukle comment

E-GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with