^

PM Sports

PBA kailangan nang magdesisyon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasalalay sa krus-yal na meeting ngayon ng Board of Governors ang magiging hakbang ng PBA para sa nakatenggang Season 46 nito bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa at umiiral na mahigpit na quarantine status sa NCR Plus.

Sa pangunguna nina Commissioner Willie Marcial at Chairman Ricky Vargas ay tatalakayin ng mga kinatawan ng 12 koponan ang posible nilang options para sa 2021 Season na planong gawin ang dalawang conferences at tatakbo ng sampung buwan.

Ang meeting ay alauna ng hapon sa PBA Office sa Libis, Quezon City kung saan pisikal na dadalo ang ibang go-vernors habang via Zoom naman ang iba.

Pinakamahalagang agenda sa naturang board meeting ang schedule at set-up ng 2021 Season na kahapon sana, Abril 18, nagbukas sa Ynares Sports Center sa Antipolo, Rizal sa ilalim ng closed-circuit setting na home-gym-home routine ang lahat ng PBA teams.

Subalit nadiskaril ang planong ito nang biglang ibalik ang NCR Plus (Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna) sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng dalawang linggo bago bumaba sa Modified ECQ hanggang sa katapusan ng Abril.

Isa pa sa agenda ng PBA ang bakuna bilang susi sa problema at magpapadali sa kanilang desisyon para sa 2021 Season na kasado na ang mga plano sa simula ng taon pa lang bago ma-diskaril ng COVID-19 surge.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with