^

PM Sports

Kumilos na rin ang SBP

John Bryan Ulanday - Pang-masa

Sa VisMin Cup controversy

MANILA, Philippines — Bukod sa Games and Amusements Board (GAB), posibleng makatanggap din ng dagdag na parusa mula sa Samahang Basketbol ng Pilipinas ang mga sangkot na persona-lidad ng Siquijor at Lapu-Lapu matapos ang kontro-bersyal na laban sa Pilipinas VisMin Super Cup.

Ayon kay president Al Panlilio na ikinagulat ang naturang laban, iimbestigahan din ng SBP ang insidente na umani ng kritisismo mula sa mga manonood, players, coaches at basketball officials sa buong bansa.

“I already asked exe-cutive director Sonny Barrios and Butch Antonio (director of operations) to investigate what happened kasi hindi ito acceptable in any sport,” ani Panlilio sa Power and Play program ni dating PBA Commissioner Noli Eala sa Radyo Singko.

Ang SBP ang basketball governing body ng bansa sa ilalim ng International Basketball Fede-ration (FIBA) at ayon kay Panlilio ay may kapangyarihan ang SBP na magpataw ng sariling parusa.

“I think from the fede-ration’s point of view, we can sanction them, maybe by suspending the players and the league,” dagdag ni Panlilio, na team governor din ng Meralco sa PBA at first vice president ng Philippine Olympic Committee (POC).  “Definitely, we need to sanction them. I just want to make sure that we make the right application of sanctions.”

Makikipag-ugnayan ang SBP sa GAB na regulatory body ng professional sports sa bansa tulad ng VisMin Super Cup na kababasbas lang bilang pinakabagong pro league sa Visayas at Mindanao region.

Nauna nang sinabi ng GAB, sa pangunguna ni chairman Baham Mitra, na magkakaroon sila ng sariling desisyon batay sa hiwalay na imbestigasyon ng mga opisyal nito sa Alcantara bubble sa Cebu, kung saan ginaganap ang VisMin Super Cup.

Dagdag ang magiging parusa ng GAB at SBP sa desisyon ng VisMin Super Cup na sibakin sa liga ang buong Siquijor team at pagsuspinde sa ilang players ng Lapu-Lapu sahog pa ang mga multa.

Samantala, matapos ang postponement ng mga laro ay nagbalik-aksyon na ang liga at wagi ang KCS –Mandaue (2-1) sa Tabogon (1-2), 86-53 gayundin ang Dumaguete (1-2) sa Tubigon Bohol (0-3), 88-73.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nakiki-pagtagisan pa ang lider na Talisay (3-0) kontra sa kulang-kulang na Lapu-Lapu (2-0) at Tabogon (1-2) kontra sa Dumaguete (1-2).

 

vuukle comment

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with