^

PM Sports

PBA tengga pa rin

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tulad ng mga nakaraang linggo sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), tengga pa rin ang PBA ngayon kahit ibinaba na sa medyo maluwag na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR Plus na tatagal hanggang Abril 30.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, tanging paghihintay pa rin ang magagawa ng pro league hanggang sa matapos ang MECQ sa Metro Manila at mga kalapit probinsya na Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Sa ilalim ng MECQ, hindi pa rin pinapayagan ang anumang sports acti-vities tulad ng practice ng mga PBA teams na natigil noon pang Marso 29.

Bagama’t puwedeng magsanay sa ilalim ng mas maluwag na General Community Quarantine (GCQ) ay puwede lamang makapagdaos ng laro ang PBA sa ilalim ng pinakamaluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ).

“Bawal pa rin. Kaya maghihintay pa rin tayo sa ngayon,” ani Marcial kahapon kasunod ng pagsisimula ng MECQ. “Dalawang levels pa tayo sa MGCQ mula sa ngayon (MECQ)”.

Bago ang paghihigpit ay MGCQ ang quarantine status ng Antipolo, Rizal, kung saan sana planong maglaro ng PBA para sa Season 46 simula nga-yong Abril 18 sa ilalim ng closed-circuit set-up mula sa dating mas mahigpit na bubble setting sa Clark, Pampanga noong nakaraang taon.

Napurnada ang natu-rang opening at kung tutuloy ang PBA sa orihinal na planong two-conference season (Philippine Cup at Governors’ Cup) na tatakbo ng sampung buwan, kailangang masimulan na agad ang 2021 Season sa Mayo, dagdag ni Marcial.

Kung hindi masisimulan agad, “worst-case scenario” sa PBA ang one-conference season gaya noong 2020 na All-Filipino tourney lamang ang naidaos nila.

Bukas din ang posibilidad na gawin ulit ito sa loob ng bubble subalit “last option” lamang ito dahil sa mabigat na gastusin at kahirapan ng sitwasyon lalo’t mananatili uling malayo sa pamilya ang lahat ng lagpas dalawang buwan.

Tulad ng PBA, tengga rin ang ensayo ng mga teams sa Premier Volleyball League (PVL) na balak simulan ang kanilang unang pro tournament sa June.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with