^

PM Sports

Ratsada ng mga Asyano

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa harap ng ‘Asian hate’ sa ilang lugar sa US, ang resbak ng Asia eh matinding ratsada sa sports world.

Dumagdag si Hideki Matsuyama sa nagbidang Asyano sa larangan ng palakasan sa gitna ng pandemya nang sungkitin nito ang green jacket sa Augusta National – tanda nang pagiging Masters champion.

Ang Masters ay isa sa apat na golf major tournaments. Umukit ng kasaysayan bilang unang Japanese Masters winner si Matsuyama kahapon sa Augusta, Georgia.

Noong Pebrero, isa ring Hapones sa katauhan ni Naomi Osaka ang tinanghal na Australian Open (tennis) women’s champion.

Dalawang major events na parehong pinagwagian ng mga Asyano.

Nakikinita ko ang maraming golden moment ng mga Asyano sa Tokyo Olympics.

Bukas ang floodgates ng sporting triumphs para sa mga Asian athletes at hindi ako magugulat kung may kasamang Pinoy na tatayo sa tuktok ng Olympic podium sa Tokyo.

Top bet si gymnast Caloy Yulo at ‘di puwedeng tawaran ang kakayanan ng mga boxers na sina Eumir Marcial, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Irish Magno.

Kung samahan ng good breaks, maaari rin magmedalya sina weightlifter Hidilyn Diaz at pole vaulter EJ Obiena.

Sana naman!

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with