^

PM Sports

Jaja Santiago inayawan ang offer sa Taiwan

Chris Co - Pang-masa
Jaja Santiago inayawan ang offer sa Taiwan
Jaja Santiago

MANILA, Philippines — Tinanggihan ni Jaja Santiago ang offer na maglaro sa isang Taiwanese league upang makasama ang Chery Tiggo sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Magsisimula sana ang naturang torneo sa Taiwan sa Mayo subalit nagdesisyon ang 6-foot-5 middle blocker na tanggihan ito para tulungan ang Crossovers sa tangkang makuha ang titulo sa PVL.

“Hindi ko tinanggap (‘yung offer sa Taiwan) dahil may PVL. This May dapat ‘yun pero hindi ko tinanggap,” ani Santiago na sariwa pa sa matamis na kampeonato sa Japan V. League kasama ang Ageo Medics.

Dumating na sa bansa si Santiago noong Miyerkules ngunit sumasailalim pa ito sa mandatory quarantine bilang pagtugon sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force.

Excited na si Santiago na makasama ang kanyang mga katropa sa Chery Tiggo lalo pa’t matagal-tagal din itong hindi nakauwi sa Pilipinas dahil sa pandemya.

Sabik na rin ang dating National University standout na makalaban ang mga teams na matagal na rin nitong hindi nakakasagupa.

“Masaya ako dahil nasa iisang league na lang kami. Matagal na rin naming hindi nakakalaban ‘yung ibang teams especially ‘yung mga nasa PVL,” ani Santiago na nais ding tulungan ang teammates. “Gusto ko silang matulungan na maibalik ‘yung kundisyon nila sa paglalaro. Lahat gagawin ko para matulungan ko sila, ma-share ko ‘yung mga natutunan ko sa Japan.”

vuukle comment

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with